Exalt: “Salita Mo”
Empower: 1 Samuel 16:1-13; James 5:7-8; Isaiah 40:31; Psalm 27:14
Seasons of Patience and Endurance (Panahon ng Pagtitiis/ Pasensya/Katatagan)
Pinili ng Diyos si David at pinahiran ni Samuel bilang susunod na hari, ngunit pagkatapos ng pagpili bumalik siya sa pagbabantay ng mga tupa (bilang isang pastol); walang agarang pagbabago sa kanyang kalagayan. Dalawang beses din siyang nagkaroon ng pagkakataon upang patayin si Saul, ngunit hindi niya iyon sinamantala dahil alam niya na hindi iyon ang tamang paraan ng Diyos upang siya’y iluklok bilang hari. Hindi siya gumawa sa sarili niyang paraan; hindi siya nagmadali; nagpumilit; hindi siya nang-agaw ng trono. Mas pinili niya ang pagsunod kaysa tagumpay… ang karakter kaysa kaginhawaan. Ang kanyang pagpigil sa sarili na patayin si Saul ay hindi kahinaan, kundi paggalang at pagsunod sa Diyos. Hindi niya itinaas ang kanyang kamay laban sa pinahiran ng Panginoon (God’s anointed). Matagal siyang nagtatago, tumatakas at nakakaranas ng takot; dito niya naisulat ang maraming Awit – mga panalangin ng pagasa, pighati at pagtitiwala. Dito naihanda ang kanyang puso bilang isang tunay na lingkod ng Diyos.
Tiniis ni David ang mga pag-uusig, pang-alipusta at banta sa kanyang buhay; sa lahat ng ito, ang Diyos ang kanyang naging kalakasan. Nanatili siyang mapagpakumbaba at nanalig sa Diyos na Siyang pumapatnubay at nag-iingat sa kanya. Alam niya na darating ang panahon na siya ay uupo sa trono bilang hari. David rested in the Lord; he waited patiently on Him with humility and unwavering trust. Sa huli, pagkatapos ng maraming panahon (13 years), naging hari si David – hindi sa pamamagitan ng dahas, kundi sa pagkilos ng Diyos. Siya ang itinayong hari, una, sa Judah (2 Samuel 2) at kinalaunan, sa Israel (2 Samuel 5).
Maaaring may dala tayong pangarap, panalangin o pangakong ibinigay ng Diyos sa ating espiritu na inaasahan nating matupad (manifest in the flesh). Ngunit, ang tanong: may itinanim ba tayong binhi na magpapatunay na tayo’y tunay na naghihintay ng ani (harvest)? Katulad ng isang magsasaka, hindi lang siya nakaupo at tinitignan niya ang kanyang bukirin at naghihintay (passively waiting) na magkaroon ng ani. He prepares the ground, plants seeds, and nurtures them; then he patiently (actively) waits for harvest. Alam ng magsasaka na ang ani ay bunga ng binhing inihasik. As believers, ang isang napakahalagang binhi na dapat
maitanim sa ating mga puso ay ang Salita ng Diyos. Ito ang pinagmumulan ng buhay na may pagtitiis, pasensya at katatagan. [Take note: hindi natin pinagtitisan o tinatanggap ang sakit o karukhaan; bagkus ito’y ating tinatanggihan (reject/resist). Tayo ngayon ay nabubuhay ayon sa tinapos na gawa ni Cristo; ang kaloob Niya ay buhay na ganap at kasiyasiya; hindi kalungkutan, kahirapan o karamdaman.]
Patience (longsuffering/endurance) is already in our spirit; we have the ability to endure any circumstances of life; but we need to walk in the Spirit. Minsan, kapag lumilipas ang mga araw na tila walang nangyayari o walang kaganapan ang ating pinapangarap, panalangin o inaasahan, madali tayong masilaw na gumawa sa sarili nating pamamaraan. Subalit, hindi dapat maging ganito ang ating kaisipan. Katulad ng magsasaka, hindi man niya nakikita pa ang ani, subalit alam niya na may nangyayari sa ilalim ng lupa. Ang kanyang paghihintay ay paghihintay na may pag-asa; nakikita na niya ang hinaharap – na siya ay aani, kaya naroon na ang kagalakan sa kanyang puso. Hindi kapag nakita na niya, doon pa lang siya magkakaroon ng pag-asa at kagalakan. Gayundin tayo, mabuhay tayo sa pananampalataya at patuloy na lumakad sa Espiritu. Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina. (Isaias 40:31 MBBTAG)
Elevate: Application/Suggested Question:1. Bilang tumatamasa na sa biyaya ng Diyos at nagagalak sa pag-asang makakabahagi ka sa kadakilaan Niya, ano na ngayon ang pananaw mo sa ‘pagtitiis’ (patience)?