The Lord is my Shepherd

Shepherd
Song by CityAlight

[Verse 1]
Though I walk through the valley and I can't see the way When the shadows surround me, I will not be afraid For I know You are with me, You will always provide Though the path may be lonely, You will stay by my side I will rest my soul, I'll trust in You alone

[Chorus]
 For the Lord, my Shepherd
Leads me, leads me
And He is all I need
In the darkest valley
I know, I know
My Shepherd is all I need

 [Verse 2]
Lord, I know that You seek me when I'm trying to hide
And Your love it pursues me all the days of my life
I will rest my soul, I'll trust in You alone

 [Bridge]
I rest my soul, in You alone
You light my way, You lead me on
I rest my soul, in You alone
You light my way, You lead me on

Exalt: “Shepherd”
Empower: Psalm 23:1-6; Ezekiel 34:11-12; John 10:11

The Lord is My Shepherd
Context: Ang Ezekiel 34 ay isinulat sa panahong ang Israel ay nasa pagkabihag sa Babilonia. Sinaway (rebuked) ng Diyos ang mga pinuno ng Israel (hari, propeta, pari, at iba pa pinunong pampulitika) na tinawag na mga “pastol”. Sila ang inatasan ng Diyos upang pangalagaan ang Kanyang bayan, ngunit sila’y nabigo; hindi nila ginampanan ang kanilang tungkulin bilang mga pinuno o “pastol”. Dahil dito, ang mamamayan ng Israel ay parang mga tupa na nangalat, naligaw, at napahamak.

Sa ganitong kalagayan ng Kanyang bayan, ang Diyos ay nangako at sinabi sa pamamagitan ni propeta Ezekiel:  mga tupa. 12 Kung paanong hinahanap ng pastol ang tupa niyang nawawala, gayon ko hahanapin ang aking tupa.Kukunin ko sila saanman sila itinapon noong panahon ng kanilang kasamaan (Ezekiel 34:11-12 MBBTAG). Napakahalaga ng talatang ito. Hindi sinabi ng Diyos na magpapadala lamang Siya ng ibang pastol. Sa halip, sinabi Niya - “AKO MISMO”. Ang Diyos mismo ang kikilos upang iligtas, tipunin, pangalagaan, at pakainin ang Kanyang bayan. Ito ang puso ng Diyos sa simula pa. Ito ang larawan ng isang mapagmahal at tapat na Pastol na ginagawa ang nabigong gawin ng mga pinuno ng Israel.

Ang Diyos na nagsabing “Ako mismo ang hahanap sa Aking mga tupa” ang Siya ring Diyos na nagkatawang-tao kay Hesu-Cristo at nagsabing “Ako ang Mabuting Pastol, iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa" (Juan  10:11 MBBTAG). Sa madaling salita, si Hesus ang katuparan ng pangako ng Diyos na Siya mismo ang magiging “Pastol”. Ang Diyos sa katauhan ni Hesus ang naghanap hindi lamang sa mga nawawalang tupa ng Israel, kundi pati sa atin (na mga Hentil) na dati’y naligaw din at nalayo sa Diyos. Hinanap Niya tayo at iniligtas sa pamamagitan ng ebanghelyong inihayag sa atin – inialay Niya ang Kanyang buhay upang sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli, magkaroon tayo ng buhay at makapanahan Siya sa atin magpakailanman. Sa mga awit ni David, malinaw na noon pa man (approximately 400 years before Ezekiel told the prophecy), kinilala na niya ang Panginoon (Yahweh) bilang kanyang Pastol. “Si Yahweh ang aking Pastol...” (Awit 23:1a) – isang personal na pagkilala ni David sa katangian ng Pastol (Diyos) na nagmamahal, kumakalinga, nag-iingat, at nagkakaloob sa kanyang mga pangangailangan.

“The LORD is my Shepherd” ultimately points to Christ. Ang Awit 23 ay binabasa natin ngayon sa liwanag ng Bagong Tipan (New Covenant)... kung ano ang pagpapalang atin nang tinanggap kay Cristo. Si Hesus ang ating Mabuting Pastol (Note: hindi lamang Pastol, kundi, Mabuting Pastol). Kay Hesus wala na tayong kakulangan! Why? Because the greatest provision is Christ Himself! We are complete in Him! Siya ang ating ganap na kasapatan. Because Christ is our greatest provision (blessing), all other provisions – including our material needs - become secondary. Though they are still real, but they are no longer the foundation of our peace and security. Tandaan, hindi ‘pinangako ni Cristo na sa mundo ay wala na tayong magiging problema o suliranin. Ang sinasabi ng Kanyang Salita, ibinigay na Niya ang lahat ng bagay para sa buhay at kabanalan (2 Peter 1:3). Meaning, lahat ng kakailanganin natin para mabuhay ng matuwid, masaya, mapayapa, at matagumpay (ayon sa layunin ng Diyos) ay nasa atin na: nasa atin ang Kanyang biyaya (grace/favor); nasa atin ang Kanyang Salita (His powerful Word); nasa atin ang Banal na Espiritu (who leads and guides us); nasa atin ang Kanyang Katuwiran; at nasa atin ang Kanyang kapangyarihan (power and authority). What else is lacking? None. In Him, we (as His sheep) are secured forever. The key is to continually know and trust our Good Shepherd!

Elevate: Application Question:
1. Ibahagi ang iyong karanasan kay Cristo bilang iyong Mabuting Pastol.

AI Website Maker
Free Web Hosting