Exalt: “Wala ng Iba”
Empower: 1 John 2:15-16; 5:19,21; Isaiah 5:20; 2 Tim. 3:1-5;4:3; Romans 12:2; James 4:4; Ephesians 2:1-3
Intro: Separation unto God (Detachment from the World)
Tayo ay nabubuhay sa panahon kung saan lantarang sinasalungat at nilalapastangan (hindi nirerespeto) ng “mundo” ang Diyos at ang Kanyang Salita. Ang mali ay ‘tinuturing na tama, at ang tama ay ‘tinuturing na mali (Isaiah 5:20). People who are OF the world (have the mindset or behavior of the world) completely reversed the moral order; they set a new standard for what is right and what is wrong. Ang tamang aral ay ayaw na nilang marinig at ang mali o masama ay nagiging katanggap-tanggap sa kanila upang masunod lamang ang kanilang mga layaw (pita ng mata, pita ng laman at pagmamalaki sa buhay,1 John 2:16).
…The whole world lies under the sway (influence; control; power) of the wicked one (1 John 5:19b NIV); Dahil sa kasalanan, ang mundo ay napasailalim sa kapangyarihan o impluensiya ni Satanas (the prince of this world). Sinamantala niya ang pagsuway ng tao sa Diyos kaya naman nakabuo siya ng isang sistema sa mundo (we now call “the world system”) na may isang layunin - ilayo ang tao sa Diyos. Satan is the mind behind this world system. Paano niya ito isinasakatuparan? - sa pamamagitan ng kanyang mga propaganda sa anyo ng tukso (temptation). As he tempted Adam and Eve in the garden of Eden and our Lord Jesus Christ in the wilderness, he uses the “things of the world” (food, money/wealth/ possession, position/power, popularity, glamor, etc.) to entice and deceive people.
We are living in a “world” that has a system that keeps unbelievers away from God and tries to entice believers to buy into its scheme. At ito’y nakaka-alarma at dapat maging babala sa mga Kristiyano dahil sa panganib (danger) na maaaring idulot nito sa kanilang espiritual na buhay. Pinapa-alala ng Salita ng ng Diyos na: “huwag
ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito”(Roma 12:2b ASND, “Huwag ninyong ibigin mundo o ang mga makamundong bagay” (1 John 2:16a ASND) at huwag “makipagkaibigan sa mundo” (James 4:4), meaning, huwag tayong makiayon sa ginagawa ng mga taong makamundo. [Please read also 2 Timothy 3:1-5; 4:3.]
Tayo na mga mananampalataya (born-again Christians) ay sa Diyos. We are OF God; we belong to Him; we belong to His kingdom. We are separated (set apart; distinct) unto Him and we are separated (detached) from the world. Tayo ay nasa liwanag na; wala na tayo sa dilim; hinango na tayo ng Diyos mula sa pagkaalipin sa mundo at ginawang kaibigan at mga anak Niya. Bagamat naninirahan pa tayo sa mundo (physical world- the earth) at nakikihalubilo (associate) sa mga taong makamundo (hindi kumikilala sa Diyos), tayo, bilang mga anak ng Diyos ay may iba nang mundo, at ito ang mundo ng Diyos (spiritual world/kingdom).
It’s true, however, that because we are still IN this physical world, whether we like it or not, we touch the world everyday, by the things we use and the things we do. Kaya ang tanong, kailan ba masasabi na ang isang Kristiano ay nabubuhay ayon sa
takbo ng “mundo” (worldly)? Can we say that one is worldly when he/she wears signature clothes, wears jewelries, eats in an expensive restaurant, buys expensive gadgets, luxury cars/ houses? Walang sinumang maaaring humatol sa sinumang mananampalataya, dahil ang Diyos lamang ang nakakasaliksik ng puso ng tao. Subalit sa personal mong buhay, ito ang mga tanong na dapat mong isaalang-alang bago mo desisyunan na gawin o bilhin ang isang bagay: (1) Ano ang dahilan o motibo ko? (bakit gusto ko ang bagay na ito?) (2) Paano nito naaapektuhan ang kaugnayan ko sa Diyos? Remember, we are “sent into the world” to be lights of the world. Share the Good News, share the love and grace of God to free people… for them to see that in Christ, there is hope and there is life. He alone could satisfy the deepest needs and longings of man.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Bilang anak ng Diyos, paano mo dinidisiplina ang sarili mo upang maiwasan ang mga bagay na maaaring mangagaw sa lugar ng Diyos sa puso mo (1 John 5:21)?