Exalt: “Who You Say I Am”
Empower: John 8:32,36; Rom. 6:16; 1 John 3:8; Galatians 5:1
Introduction: Reigning IN Freedom
Kapag pinag-uusapan ang kalayaan (freedom), karaniwang naiisip ng tao ang kasarinlan (independence), katulad ng Philippine Independence Day (Araw ng Kalayaan o Kasarinlan) - ang paggunita ng sandaling naging malaya ang ating bansa mula sa pananakop ng mga dayuhan. Sa kontekstong politikal, ang kalayaan ay nangangahulugang sariling pamamahala (self-rule) at kalayaan mula sa kontrol ng iba. Ang kalayaan o pagiging independent para sa iba ay: maaari na niyang gawin kung ano ang gusto niyang gawin, nabubuhay ng walang kinikilalang awtoridad o nakatataas sa kanya at walang iniisip na pananagutan sa iba.
Yet the Bible presents a different picture: True freedom is NOT independence from God—it is restored dependence on God. Ang tunay na kalayaan ay - ang naibalik na pagtitiwala at pagdepende sa Diyos. Ito ang kalayaang nawala kina Adan at Eba nang sila’y bumagsak sa kasalanan, pinili nilang mabuhay ng hiwalay sa Diyos na pinanggalingan ng kanilang buhay, karunungan, probisyon, at pagkakilanlan (all of these flowed from God before the fall). They were created to live in perfect dependence on God; but they yielded to the devil’s temptation “You can be like God”. They chose to live independent of God (on their own). They lost freedom through false independence. Imbes na kalayaan, ang naranasan ng sangkatauhan ay ang pagkaalipin sa kasalanan, kamatayan, kahatulan at takot. Siya na ang nag-desisyon kung ano ang mabuti at masama.
But when Christ came, He destroyed the works of the devil. He restored true freedom “Kaya kung ang Anak ng Dios ang magpapalaya sa inyo, talagang magiging malaya kayo.” (John 8:36 ASND). Hindi lang Niya basta binigyan ng kalayaan ang tao, ibinalik Niya ito sa tamang relasyon o kaugnayan sa Diyos. He restored a life of freedom that is connected with God - a life that trusts/depends/relies on God. Hence, the more dependent you are on God, the more you walk in true authority and the more you reign in life.
Christ transformed us from WITHIN! We’ve been set free from sin and condemnation. You are a new creation. You are already FREE; this is your identity. You are not reigning FOR freedom; you are reigning IN freedom! Ang kalayaang ito ay hindi lamang mula sa kasalananan o kahatulan, kundi kalayaan mula sa takot, pangamba at pag-aalala, na dumarating kapag ang tao ay umaasa sa sariling magagawa (sariling diskarte, sariling pamamaraan).
Sa lumalalang tension sa Middle East at dulot nitong krises sa ekonomiya ng maraming bansa, kasama ang Pilipinas, maraming tao ang nagpa-panic at nagtatanong “Paano na kami bukas?” “Ano ang mangyayari kapag nagtagal pa ito?” Marami ang natatakot at nag-aalala sa magiging kahihinatnan nito sa mga susunod na araw o buwan. At this moment, we as Christians must stand firm in the freedom we have in Christ, so we can bring love, light and hope to those in need.
Christ is in you and you are in Him! In spite of uncertainties, you can still reign in freedom, because our freedom is rooted in the finished work of Christ; it is not based on the condition of the world. Even when things are not okay outside, you are stable inside. Reining in freedom is living from a place of rest, confidence and full assurance in Christ – expressed in how we think, speak, and live.
Elevate: Application Questions:
1. “And you shall know the truth and the truth shall make you FREE” (John 8:32 NKJV) Sa anong paraan mo naranasan ang kalayaan sa pamamagitan ng iyong kaugnayan kay Cristo?
2. Paano mo maaaring palakasin ang kalooban ng mga taong natatakot at nag-aalala dahil sa mga kaganapan sa panahong ito?