Exalt: “I Need You More”
Empower: Genesis 37:12-36; Proverbs 4:23, 14:30; Phil. 4:11; James 3:16
Envy Leads to Sinful Actions
Ang inggit (envy) ay isang pakiramdam ng pagnanais na magkaroon ng kung anong bagay, tagumpay, katangian o kalagayan na nasa ibang tao. Ito ay karaniwang nagsisimula kapag nakita ng tao ang sarili (o sariling kalagayan) at ikinukumpara ito sa iba. Envy is a powerful and destructive emotion. Kung ito’y nananatili sa puso ng tao, ito’y maaaring magbunga ng masasamang kilos (sinful actions) tulad ng galit, paninira at pagnanasa na mapabagsak ang iba.
Envy Led to Hatred. Sa Genesis 37:12–35, mababasa natin ang isang masakit na kwento sa pamilya ni Jacob, kung saan ang inggit ay nag-ugat at humantong sa sunod-sunod na kasalanan. Si Jose, na labis na minahal ng kanyang ama at pinagkalooban ng mga panaginip mula sa Diyos, ay naging tampulan ng inggit ng kanyang mga kapatid. Sa halip na maging masaya sila para kay Jose, hinayaan nila na manahan sa kanilang puso ang inggit—at ang inggit ay nagbunga ng matinding galit.
Hatred Led to Conspiracy. Ang galit na ito ang nagpadilim sa kanilang isipan; hindi na nila nakita si Jose bilang kapatid, kundi bilang isang banta. Sa paglala ng galit, nauwi ito sa sabwatan. Nagplano silang alisin si Jose sa kanilang buhay, una nilang pinagnilayan ang pagpatay sa kanya bago napagdesisyunan na ihulog na lamang siya sa isang balon. Conspiracy Led to Betrayal. Hindi nagtapos doon ang kanilang kasamaan—ang sabwatan ay nauwi sa pagtataksil. Ibinenta nila si Jose sa mga mangangalakal na Ismaelita kapalit ng dalawampung pirasong pilak, pinili ang
pansariling pakinabang kaysa sa pagmamahal at katapatan. The betrayal was not just against Joseph; it was against God’s will for their family.
Betrayal Led to Deception (Lying to their father, Jacob). Upang pagtakpan ang kanilang kasalanan, they fell into deception (panlilinlang). Binasa nila ng dugo ng kambing ang damit ni Jose at iniharap ito sa kanilang ama, pinaniwala siyang nilapa si Jose ng mabangis na hayop. Ang kasinungalingang ito ay nagdulot ng matinding dalamhati kay Jacob at lamat sa kanilang pamilya. The guilt remained in Joseph’s brothers hearts for so many years.
Maraming relasyon ang nasisira dahil sa inggit. Ang isang maliit na binhi ng inggit ay maaaring lumago tungo sa galit, sabwatan, pagtataksil, at panlilinlang. Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa. (James 3:16) Kaya nga pinapaalala sa atin ng Salita ng Diyos na bantayan ang ating puso. “Ang puso mo’y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.” (Kawikaan 4:23)
Bilang mga mananampalataya, matuto tayong magalak sa tagumpay ng iba. Tayo ay minahal ng Diyos ng pantay pantay; ang biyaya Niya ay maaaring maranasan ng lahat ng Kanyang mga anak ayon sa panawagan Niya sa bawat isa; kaya’t wala tayong dapat ikainggit sa iba. Mabuhay ka ayong sa layunin ng iyong pagkatawag. Sapat ang biyaya ng Diyos sa ating buhay, kaya’t matuto tayong masiyahan sa anumang kalagayan; nandyan ang Kanyang presensiya anumang oras at sa anumang situasyon ng ating mga buhay. May maganda Siyang plano sa bawat isa sa atin – a hope and a bright future. (Jeremiah 29:11) Magtiwala tayo sa Kanya na nabubuhay magpakailanman!
Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Nakakaramdam ka ba ng inggit o ikinukumpara mo pa ba ang sarili mo sa ibang tao? Paano mo nababantayan ang puso mo sa tuwing dumarating ang ganitong damdamin? Paano ito kinokontrol o pinapawi ng Salita ng Diyos (na nagpapaalala sa iyo kung sino ka sa harapan ng Diyos)?