Exalt: “No Longer Slaves”
Empower: Romans 8:2; 1 Thess. 5:23; John 6:63; 2 Cor. 3:6; Heb. 4:12; Matthew 4:4
The Law of the Spirit of Life
Romans 8:2 -For the law of the Spirit of life in Christ Jesus has made me free from the law of sin and death.
Ang kaharian ng Diyos ay mayroong mga batas o prinsipyo na kailangang maunawaan ng bawat mananampalataya upang maranasan ang mga nakapaloob dito. These are not commandments or list of rules like the Mosaic Law. Instead, they are spiritual principles or governing reality (like the law of faith and the law of sowing and reaping).
Sa talata sa itaas, dalawang magkasalungat na batas ang mababasa: ang batas ng Espiritu na nagbibigay-buhay (the law of the Spirit of life) at ang batas ng kasalanan at kamatayan (the law of sin and death). Ang una, na siyang ating paksa, ay tumutukoy sa realidad ng bagong pagkatao o pagkakakilanlan (identity) na naging posible dahil sa Espiritung sumasaatin na Siyang nagbibigay-buhay. Ang buhay na ito ang siya ring bagong espiritu na ating tinanggap dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. Our life/spirit now is being sustained and governed by the Holy Spirit. Ang pangalawa ay tumutukoy sa likas na kalagayan ng tao (in Adam) kung saan ang kasalanan ay nagdulot ng kamatayan. Napalaya na tayo dito.
Alamin natin kung ano ang kaugnayan ng batas ng Espiritu na nagbibigay-buhay sa tatlong bahagi ng tao (believers): spirit, soul and body. Ano ang nagbago at ano ang hindi nang tayo ay naligtas?
Spirit
• the real you (the innermost part)
• the part that relates to God
• the part that is born again (completely transformed)
Soul
• mind, will, emotions
• the seat of thinking and decision-making (the control center)
Body
• physical flesh (physical senses/actions)
• the part that interacts with the natural world
Bilang nakipag-isa kay Cristo, ang tunay mong pagkatao (the real you) ay nasa iyong espiritu. Ito ay ganap, perpekto, banal, matuwid, puno ng pag-ibig, kagalakan, at kapayapaan, katulad ni Cristo. Subalit ang iyong kaluluwa at katawan ay kapareho pa rin ng dati nang ikaw ay maligtas; walang nagbago. Ang iniisip pa rin ng kaluluwa ay makalumang kaisipan – kung saan siya nasanay. [Note: ang katawan ay sumusunod lamang sa dikta ng kaluluwa (remember the soul is the control center)] Kaya nga, ang kaisipan (soul part) ay kailangang mabago (renew), upang ang buhay na nasa espiritu ay dumaloy sa kaluluwa at katawan [Spirit -> Soul -> Body]. Paano?
Dito makikita ang layunin ng Banal na Espiritu (the Spirit of life) sa ating mga buhay. Siya ay pinadala upang gabayan at turuan tayo sa lahat ng katotohanan – kung sino si Cristo at ang Kanyang natapos na gawa - at sa gayo’y mabigyang kaluwalhatian si Cristo. The Holy Spirit quickens (make alive) the Word of God in our hearts as we hear or meditate it. Habang patuloy na naihahayag sa ating puso kung sino si Cristo, mas nauunawaan na din natin ngayon kung sino na tayo (in our spirit). Sa pamamagitan pagkilala sa ating bagong pagkakakilanlan, ang ating kaluluwa (kaisipan) ay unti-unting nagbabago at unti-unting naaayon sa katotohanang nasa atin na. When our soul agrees with what we have in the spirit, the body starts to express it.
Elevate: Application Questions:
1. Paano mo binibigyan ng puwang o pagkakataon ang Banal na Espiritu (the Spirit of Life) na maghayag sa iyong puso upang patuloy mong makilala si Cristo?
2. May mga bahagi pa ba ng iyong pag-iisip (kaluluwa) na hindi pa naaayon sa katotohanan ng iyong pagkakakilanlan kay Cristo?