The World Trend: Keeping Man away from God

ONE THING
Song by Hillsong

One thing
One thing I desire
One thing I seek
To gaze upon Your beauty
Your majesty
In the day of trouble
You cover me
In the secret place of refuge
Lord I will sing
So I pray to You
So I pray to You
Lord Your Name is higher than the heavens
Lord Your Name is higher than all created things
Higher than hope
Higher than dreams
The Name of the Lord
All I want is You
All I want is You
Jesus

Exalt: “One Thing”
Empower: Gen.3:4; John 10:10; Mark 4:14-20; Romans 1:24-26;
 Matthew 13:24-30

The World Trend: Keeping Man Away From God
Sa pasimula pa, ito na ang gusto o layunin ng kaaway – ang ilayo ang tao sa Diyos. We may ask, how does the world trend (uso o popular sa mundo, hilig o kinahuhumalingan ng mundo, kalakaran ng mundo), keep man away from God?

Satan has the same old strategy (as in Genesis 3:4), and it is by twisting what God says and stealing the seeds (Word) so he may be able to destroy and kill lives (death or separation from the Source of Life - God). Sa gayon, ang taong walang kaugnayan sa Diyos o walang Cristo sa puso ay walang ibang pagbabalingan o pagkukuhanan sa buhay kundi ang mundo o ang mga ibinibigay nito. Kaya naman, ang mundo at ang mga bagay na naririto ang ginagamit ng kaaway upang maakit at malinlang ang mga tao, maging ang mga mananampalataya. Inaagaw ng kaaway ang Salita sa pamamagitan ng paglalagay o pagtatanim sa isip ng tao ng mga kakulangan niya o wala sa kanya o kung anong mayroon ang iba (through social media contents, television, films) dahilan upang ang kaisipan ay maituon sa kanyang sarili (focus is on self) at sa mga bagay dito sa mundo na sa akala niya ay solusyon upang makamit niya ang kanyang pangangailangan.

Worldly trends like materialism (pagkahumaling sa mga bagay na materyal), naturalism (nakatuon lamang mga bagay na naipapaliwanag ng siyensya; hindi binibigyang pansin ang mga bagay na espiritual) and self-indulgence or instant-gratification (pagpapakasaya sa sarili o pansamantalang kasiyahan), are all about self and they are keeping man away from God; and the sad part, man is not even aware of it.

Ang katotohanan ng Talinghaga ng Manghahasik (Parable of the Sower) ay malinaw na nakikita sa tuwing naihahayag ang Salita ng Diyos sa mga tao: mayroong binhi na nahuhulog sa daan (Seed on the Path) kaya’t inaagaw lamang ito ng mga ibon (ng kaaway); mayroong binhi na nahuhulog sa mabatong lupa (Seed on Rocky Ground) o mga taong tumanggap ngunit hindi taimtim sa puso nila, kaya’t kapag dumating ang kahirapan o pag-uusig dahil sa Salita, sila’y kaagad na tumatalikod sa pananampalataya (Mark 4:17); mayroon namang binhing nahuhulog sa matinik na lugar (Seed Among Thorns) subalit dahil sa mga alalahanin dito sa mundo, paghahangad na yumaman at paghahabol sa marami pang bagay, hindi namumunga ang Salita sa kanilang buhay (Mark 4:18-19); at mayroong binhi na nahuhulog sa matabang lupa (Seed on Good Ground), kung saan naguugat at namumunga sa buhay nila ang Salita na kanilang naririnig (Mark 4:20).

Kaya’t napakahalaga na maitanim (conceived) sa puso natin ang Salita, alagaan (nurture) ito upang ito’y mag-ugat, lumago at mamunga. Huwag nating itanim (o alagaan sa kaisipan) ang mga alalahanin at takot o anumang ibinibigay na mundo; ito ay mga binhi (masamang damo) na kapag naitanim sa kaisipan at puso ay mahirap nang bunutin. Magbabad tayo sa Salita ng Diyos na may kapangyarihang supilin ang lahat ng mga negatibong bagay na nasa ating kaisipan at baguhin ang ating buhay. Isipin lamang ang mga bagay na spiritual o ang mga ipinagkaloob na ng Diyos sa atin bilang mga mananampalataya. Taglay natin ang Espiritu ng Diyos upang turuan at gabayan tayo na mamuhay na hiwalay sa mga bagay na minamahal o pinahahagahan ng mundo, kung papahintulutan natin Siya. Let us continue to seek God everyday of our lives… He’s all we need to live a life that is filled with love, joy, peace…a life of freedom and fulfillment!

Elevate: Application/Suggested Question:
1. Magbigay ng isang bagay na kinahuhumalingan ng mundo. Paano nito nilalayo ang tao sa Diyos? 

HTML Creator
Free Web Hosting