Exalt: “No Longer Slaves”
Empower: Gen 1:1-2, 26; John 3:16, 8:12, 10:34; Psalm 115:16;
1 Tim. 6:7; 2 Cor. 4:4; 5:21; Isa. 65:17; 2 Peter 3:13; 1 John 2:15
The World, Defined
Ang “world” o “cosmos” sa Griegong salita ay nangangahulugang “order” (kaayusan). Ang mundo at ang lahat ng naririto na nilikha ng Diyos ay maayos; God created an orderly world, a perfect world, where there was harmony, love, peace and order. Ang mga hayop ay hindi nagpapatayan (o naglalapaan) sa isa’t isa; sapat ang mga halaman (plants and herbs) sa hardin ng Eden na kanilang makakain. Sila rin ay hindi nananakit ng tao; sila’y mga kaibigan (alaga) ng tao. However, Adam’s sin affected the animal kingdom. Nagsimulang magulo ang sistema (order) na itinatag ng Diyos. Ang mga hayop na dapat sana ay hindi kinatatakutan ng tao ay nagsimulang manlapa (pumatay) ng tao at kapwa nila hayop. [*Ang tao ay nagsimulang kumain ng hayop pagkatapos ng baha sa panahon ni Noah.] In spite of God’s effort to save humanity from sin that destroys life and order on earth, men continue to yield to Satan’s will. Since the fall of man, the earth that was created by God for humans to enjoy was put under the power and influence of Satan.
Ang kaisipan at puso ng tao ay nabalot ng kadiliman; lumaganap ang kasalanan. Sinamba ng tao ang ibang nilikha (e.g. animals) na dapat sana’y nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan (dominion and authority-Genesis 1:26). Naging bulag ang tao sa katotohanan; siya’y binulag ng diyos ng mundong ito (Satan) upang hindi nila makita ang liwanag ng ebanghelyo, Si Cristo. Dahil sa kamangmangan ng tao sa mga bagay ng Diyos, marami ang nalilinlang ng kaaway sa pamamagitan ng mga bagay dito sa mundo… mga makamundong bagay na animo’y nakakatulong at nakakapagpasaya sa tao pero sa kinalaunan ay nakakapagpahamak sa buhay niya.
Gayunpaman, patuloy din ang pagkilos ng Espiritu ng Diyos upang ang buhay ng tao (at lahat ng sangnilikha) ay muling maibalik sa kaayusan, at ito’y sa pamamagitan ni Hesus. Lahat ng nanampalataya sa Kanya ay hinango na mula sa madilim at magulong mundo (worldly system) patungo sa mundo o kaharian ng Diyos. Kaya ngayon, bagamat nasa mundo pa at napaliligiran ng kadiliman at kasalanan ay maaari tayong lumakad at mamuhay sa liwanag ni Cristo (in God’s world, where there is harmony, peace and order.) Darating ang panahon na ang mundong ito ay kukupas at mawawala at magkakaroon ng bagong langit at lupa, tuluyan nang mapapawi ang kadiliman at tanging liwanag at katuwiran ang mamamayani sa mundo, Subalit, habang naghihintay tayo na mangyari iyon, maaari pa rin tayong mabuhay sa kasalukuyan sa espirituwal na mundo (kaharian) ng Diyos nang may katahimikan, kapayapaan, pag-ibig at kaayusan. Remember, we belong to God’s kingdom and He’s already reigning in us. Please take note na tuwing nababasa natin ang salitang “world” o “cosmos” sa mga talata sa Biblia (esp. in the New Testament), ito ay may iba’t-ibang gamit (usages). Ilan sa mga ito ay: una, ito ay tumutukoy sa “earth” (physical world; Example: Genesis 1:1); pangalawang gamit nito sa ibang talata ay “ang mga nakatira sa mundo” (inhabitants of the world; Example: John 3:16); at pangatlo, may mga talata na ang “world” o “cosmos” ay tumutukoy sa kaisipan o pamamaraan ng mundo o sa mga makamundong gawain (world system; worldly affairs; Example: 1 John 2:15). The “world” is also John’s (John the Beloved) favorite word; kaya madalas natin itong mababasa sa kanyang mga sinulat.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Ibigay ang iyong pang-unawa dito: “Tayo na mga mananampalataya ay nabubuhay na (at present) sa mundo/kaharian ng Diyos kung saan mayroong pagkakaisa (harmony), pagmamahalan (love) kapayapaan (peace), at kaayusan (order).”