Exalt: “Holy Forever”
Empower: Genesis 30: 22-24; 37:1-4; James 2:2-4; Rom. 2:11; Acts 10:34-35
God’s Impartial Nature (no favoritism; without bias)
Favoritism or Partiality – is the act of giving unfair preferential treatment to one person or group at the expense of others. It involves showing bias, Ito’y pagbibigay ng espesyal na pagtrato, suporta, atensyon, papuri o pagmamahal sa isang tao (e.g. son or daughter) na hindi naibibigay sa iba (e.g. other children) kahit na nararapat o deserve) din nila.
Joseph [Yosef or Yowceph in Hebrew which means “may the Lord add (another son)” or “taking away (her shame”] was obviously Jacob’s favorite son. Ang pagbibigay ni Jacob ng makulay na damit (“a coat of many colors” – a symbol of favor and nobility) kay Jose ang nagsilbing mitsa na nagpasabog sa naipong damdamin ng kanyang mga kapatid at humantong sa hindi magandang pangyayari.
Jacob’s favoritism toward his son Joseph, born to Rachel (the wife he deeply loved and cherished), caused jealousy and hatred among Joseph’s brothers, ultimately, leading them to sell him into slavery.
Favoritism is a real-life issue that exists not only in families but also in workplaces, schools, and communities we are part of. Dahil sa kasalanan, likas sa tao (the natural man) ang may itinatangi o pinapaboran); minsan ito’y kanyang sinasadya (intentional) pero minsan ay hindi (unintentional), meaning, naipapakita niya ito, unawarely or unconsciously, sa loob ng pamilya, sa trabaho o paaralan. Subalit, sinasadya man ito o hindi, ito’y mayroong epekto sa isipan at damdamin ng mga anak, ka-trabaho, o kaklase/ estudyante. Sa pamilya, ang favoritism nagdudulot ng paninibugho (jealousy) at alitan o awayan (conflict) sa pagitan mag-asawa o sa magkakakapatid o sa ugnayan ng magulang sa anak. Ito rin ay nagpapababa ng pagtingin sa sarili (low self-esteem) ng mga anak na hindi nabibigyan ng pansin, pagmamahal, panahon, o suporta ng magulang (na lagi namang nakukuha ng paboritong anak).
Samantala, likas sa Diyos ang walang itinatangi o kinikilingan (impartial; no favoritism). Ito ay napagtanto ni Pedro nang si Cornelius, na isang Hentil (ngunit may takot sa Diyos at tumutulong sa mga mahihirap na Judio), ay nakatanggap ng pangitain mula sa Diyos. Acts 10:34-35 – 34 Kaya nagsalita si Pedro, “Ngayon alam ko nang walang pinapaboran ang Dios. 35 Kung ang tao ay may takot sa Dios at tama ang kanyang ginagawa, kahit ano ang lahi niyaʼy tatanggapin siya ng Dios. Every person matters to God. Mahal ng Diyos ang lahat ng tao, anuman ang kulay o lahi nila. Ang biyaya Niya ay laging nandyan (available) sa sinumang lumalapit sa Kanya. Sapagkat pantay-pantay ang pagtingin ng Dios sa lahat ng tao. (Roma 2:11) Ang kalikasang ito ng Diyos (being impartial) ay ipinakita ng ating Panginoong Hesus nang siya’y nakihalubilo sa mga makasalanan (e.g. tax collectors, prostitutes, downtrodden). Siya’y kumain at uminom na kasama nila kaya Siya’y tinawag na “a friend of sinners”(Luke 7:34) ng mga religious elite (i.e. scribes and Pharisees) bilang pang-insulto sa Kanya. Maraming naging tagasunod (followers) si Hesus dahil wala siyang tinatangi. He is no respecter of persons.
Bilang mananampalataya na binago ng Diyos (as new creation or spiritual man), ang kalikasan na ng Diyos, who is impartial (walang tinatangi, walang pinapaboran), ang nasa sa atin. Ang pag-ibig Niyang walang kondisyon ay naranasan natin at ito na ngayon ang nasa ating espiritu; kaya’t may kakayahan tayo na mahalin ng parehas (pantay-pantay) ang ating mga anak kung ikaw ay magulang. [Same is true in the workplace, school or community]. God loves us the way we are; that’s His grace and mercy. Let us also do the same to others.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Bilang mananampalataya na nabibilang sa isang pamilya, grupo, iglesia (church), o workplace, paano mo maipapakita ang “walang kinikilingang (impartial) kalikasan ng Diyos? Magbigay ng mga halimbawa.