Freedom in Christ

FREEDOM REIGNS
Song by Jesus Culture

Where the spirit of the Lord is
Where the spirit of the Lord is
There is freedom
Lift Your eyes to heaven
There is freedom
Lift Your eyes to heaven
There is freedom
Freedom reigns in this place
Showers of mercy and grace
Falling on every face
There is freedom
If You're tired and thirsty
There is freedom
If You're tired and thirsty
There is freedom
Give Your all to Jesus
Give him all, there is freedom
Give Your all to Jesus
There is freedom
Freedom reigns in this place
Showers of mercy and grace
Falling on every face
There is freedom

 Exalt: “Freedom Reigns”
Empower: John 8:36; 2 Cor. 3:17; Gal. 5:13; Romans 6:6-9

Freedom in Christ
Ang tunay na kalayaan ay matatagpuan lamang kay Cristo. Without Christ, one cannot in any way experience true freedom. Like grace, freedom is not a concept it is a Person. It is relational, not conceptual. To be in Christ is to be in freedom. Kung ikaw ay na kay Cristo, malaya ka na! You are now free from the bondage of sin, released from the condemnation of the Law and no longer held by its guilt and shame.
Paano nga ba naalipin (in bondage) ang tao sa kasalanan? Unawain natin na ang pagkaalipin o bondage ay hindi lamang sa paggawa ng mali – ito ay mas malalim na kondisyon o kalagayan ng tao na nakaapekto sa kanyang pagkakakilanlan, kalikasan, at relasyon sa Diyos. Bago kay Cristo, ang tao ay hindi lamang gumagawa ng kasalanan – siya’y kontrolado o nasa ilalim ng kapangyarihan nito; kaya nga sinabi ni Hesus sa John 8:34 na “ang sinumang nagkakasala ay alipin ng kasalanan” Ang kasalanan ang naging panginoon ng tao; kung ano ang dikta nito (desires of the flesh) ay sinusunod ng tao. At dahil alipin ang tao, wala siyang kakayahang palayain niya ang kanyang sarili. Man cannot free himself by effort alone, because sin is not just a choice issue; but a power issue. Maaring magbago siya sa panlabas pansamantala, subalit, babalik at babalik pa rin siya sa dati niyang kalagayan hanggat wala si Cristo sa kanyang buhay na Siyang tunay na makapagpapalaya sa Kanya. Only Christ can give man true freedom!

Ngayon, dahil ikaw ay na kay Cristo na, nailagay ka na sa bagong kalagayan (status). Hindi ka na alipin, kundi anak ng Diyos. Malaya ka na mula sa kasalanan na umalipin sa iyo sa nakaraan (not just from committing sins, but from sin nature; Christ dealt with the root problem). Maaari mo nang i-enjoy ang bunga ng kalayaang ito, lalo na ang iyong kaugnayan sa Diyos. Do you enjoy your fellowship with God everyday of your life? Do your words/speech and actions show the freedom that is in you?

Tinubos na tayo, pinatawad, at binigyang buhay sa pamamagitan ng Espiritu, kaya ganap na ang ating kalayaan.Ngayon, ang binabanggit ditong Panginoon ay ang Banal na Espiritu, at kung ang Espiritu ng Panginoon ay nasa isang tao, malaya na siya (2 Corinto 3:17 ASND). Because of the Presence of the Spirit of God, we can now walk in righteousness and freedom; we can now serve and love one another in freedom.

Kapatid, malaya ka na. Huwag mong paniwalaan ang kasinungalingan ng kaaway na hindi ka pa malaya. Nililinlang ka lamang niya sa iyong totoong pagkakakilanlan (identity). At huwag mong pagsikapang maging malaya (from the works/desires of the flesh), mabibigo ka lang. You will only get frustrated. Instead, walk in the Spirit; understand that you are already spiritually free. Kapag naunawaan mo ang katotohanan na ikaw ay malaya na kay Cristo, ang iyong pamumuhay (external) ay unti-unting magbabago, hindi sa pilit, kundi dahil sa gawa ng Espiritu na nasa iyo. Ang Espiritu ang nagbibigay ng kapangyarihan at kapahayagan sa iyong espiritu (sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral sa Salita ng Diyos) upang mamuhay ka bilang isang tunay na malaya.

Katulad ng pagharap natin sa salamin, kapag alam mong malinis at maayos ang iyong mukha, buhok, o kasuotan, may confidence ka na lumabas o makihalubilo sa ibang tao. Gayundin naman, kapag nakikita natin kung sino tayo (in the spirit) sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, may confidence tayong harapin ang buhay ng may kalayaan.

Elevate: Application Questions: 
1.  Ano ang isang bahagi (area) ng buhay mo kung saan nahihirapan kang paniwalaan na ikaw ay malaya na?

2. Mayroon ka bang dinadalang guilt o shame na pumipigil sa iyong paglago bilang mananampalataya at sa iyong pamumuhay bilang malaya?

AI Website Generator
Free Web Hosting