Exalt: “10 Thousand Reasons (Bless the Lord)”
Empower: Habakkuk 2:4; Genesis 39:2-3, 21; 50:20; Luke 8:22-25; Romans 8:28; Matthew 6:25-34
Faith that Sees God’s Providence (Introduction)
Sa ating pagkilala at pananampalataya sa ginawa ni Cristo, tayo ay pinaging-matuwid ng Diyos, dahilan upang maibalik ang lahat ng karapatan o pagpapalang nawala sa atin dahil sa kasalanan. Through Christ, we became righteous and our relationship with God was restored, together with all the rights and privileges as His children. Halleluiah!
Ngayon, bilang pinaging-matuwid ng Diyos, dapat tayong mabuhay sa pananampalataya (Habakkuk 2:4); meaning, sa araw-araw ng ng ating mga buhay, lumakad at mabuhay tayong naka-depende sa Diyos, hindi sa sarili nating lakas at kakayahan. Our reliance or trust is on God; we fully depend on Him. Hindi ito nangangahulugan na wala na tayong gagawin, [remember, our faith is not passive but active] kundi, lahat ng binabalak at ginagawa natin ay bunga lang dapat ng ating pagtitiwala o pagkilala sa Kanya. At dahil nagtitiwala tayo sa Kanya, wala tayong takot at pag-aalala kung ano ang mangyayari bukas (future), bagkus, ang nakikita natin ang magandang hinaharap o kinabukasan, because our faith sees God’s providence.
Ang pagtiwalaan Siya sa lahat ng bahagi ng ating buhay (e.g. finances, health, relationships, career) ay hindi kagyat na dumarating; ito’y proseso; ito’y bunga ng araw-araw nating pagbababad sa Kanyang presensya at pagnanasa na kilalanin Siya ng lubusan sa pamamagitan ng Kanyang Salita. The seed of faith is there (in our spirit), but it needs to be nurtured. Hayaan natin na hubugin ng Kanyang Salita ang ating puso at kaisipan upang ito’y magbunga ng pananampalataya.
Ang mga taong hindi matuwid (unrighteous) ay nagtitiwala lamang sa kanilang sarili, kaya’t sila’y nagmamalaki. Subalit ang matuwid ay nabubuhay ayon sa pagkakilala niya kung sino ang Diyos sa Kanyang buhay. Katulad ni Joseph, makikita sa kanyang buhay na sa kabila ng lahat ng mga hindi magagandang pangyayaring naranasan niya, ang mga mata niya ay nakatingin kung sino ang Diyos at sa maganda Niyang plano at layunin para sa kanya na ipinakita Niya sa pamamagitan ng panaginip. Marahil dahil sa kabataan ni Joseph, hindi pa niya lubos na nauunawaan ang ibig sabihin ng kanyang mga panaginip o kung paano luluhod sa kanya ang kanyang magulang at kapatid, subalit alam niya sa kanyang puso na ito’y mangyayari kaya’t nabuhay siyang nagtitiwala sa Diyos. Ang pananampalataya niya sa Diyos ay hindi natinag ng mga kahirapang dinanas niya (brought about by his brothers’ hatred and jealousy) dahil alam niyang siya’y ginagabayan ng Diyos. Maging ang mga nakahalubilo niya ay naniwala na siya’y ginagabayan at ‘pinapatnubayan ng Diyos, dahil nagtatagumpay siya sa lahat ng kanyang ginagawa. And the Lord was with Joseph, and he was a prosperous man… the Lord made all that he did to prosper in his hand (Genesis 39:2-3)
Take note: ang mga kapatid niya ang nagplano ng masama, hindi ang Diyos. Instead, God turned those evil things for good. But as for you, you meant evil against me; but GOD MEANT IT FOR GOOD, in order to bring it about as it is this day, to save many people alive. (Genesis 50:20 NKJV). Hindi kailanman nagplaplano ng masama ang Diyos sa ating mga buhay, anumang kahirapan na ating nararasanan ay hindi galing sa kanya. Bagkus, Siya ang tumutulong sa atin na malampasan ang mga ito at matiyak ang tagumpay. Open your eyes and see God’s providence (by faith); He is with (and within) you always; He cares for you because He loves you so much.
Elevate: Application/Suggested Questions:1. Nakikita mo ba ang providence ng Diyos (e.g. care, protection, healing, supply) nang higit kaysa mga negatibong nangyayari sa buhay mo? Nakikita ba ng iyong mga kapamilya, kaibigan o katrabaho na ikaw ay ginagabayan ng
Diyos? Sila ba ay napagpapala din dahil sa iyo? Elaborate.