Exalt: “Sukdulang Biyaya”
Empower: James 1:5; Mark 16:17-18; 1 Corinthians 1;6-7; 2:4; 1 Corinthians 12:7,8; Acts 15:12-21
Gift of the Word of Wisdom
1 Corinthians 12:8a - For to one is given by the Spirit the word of wisdom; to another the word of knowledge by the same Spirit… Ang “kakayahang maghayag ng kaalaman tungkol sa Dios (word of knowledge)”, at… ang kakayahang unawain ito (word of wisdom)” ay may malapit na kaugnayan, subalit ang dalawa ay magkaiba. Ang kalikasan ng una (word of knowledge) ay informative; nagbibigay ng kaalaman o impormasyon patungkol sa isang bagay, tao o pangyayari na hindi makukuha sa natural na abilidad (to be discussed next week). Samantala, ang pangalawa (word of wisdom) ay directive; nagma-manifest ang maka-diyos karunungan ng may kaloob nito kung ano ang sasabihin sa anumang katanungan o kung ano ang gagawin upang resolbahin ang tiyak na pangyayari o situasyon sa tiyak na oras. A person with this gift knows what to do in a specific situation at a specific time.
The best example we could give is our Lord Jesus Christ. Maraming pagkakataon na napatahimik Niya ang mga lumalaban sa Kanya (mostly scribes and Pharisees). They could not stand His wisdom. Ang Kanyang mga pananalita ay may awtoridad at kapangyarihan na wala sa mga taong ‘tinuturing ng mundo na matalino dahil sa kanilang pinag-aralan (scribes and Pharisees were experts of the Law, but Jesus has the wisdom of God.) Walang pag-aalinlangan na ang kaloob na makaunawa ay supernatural; hindi makukuha sa antas ng edukasyon o pinagaralan o di kaya’ kasanayan o karunungang galing sa mundo (world system) or through senses. The gift of the Word of Wisdom is beyond natural abilities. Ito’y pinagkakaloob ng Diyos supernaturally sa oras ng kagipitan o situasyong nangangailangan ng karunungan. Ang kaloob na ito ay maaring magamit ng mga mananampalataya sa kani-kanilang lokal na iglesia sa layuning: (i) mapatatag at mapalakas ang mga kasapi ng iglesia, (ii) makita ang kapangyarihan ng Diyos na kumikilos sa bawat iglesia at (iii) makumpirma ang ating mga patotoo tungkol kay Cristo.
God is the Source of all godly wisdom. Sa pangkalahatan, bilang mga Kristiyano at pinananahanan ng Espiritu ng Diyos, tayo’y binahaginan ng karunungan ng Diyos [He imparted to us a portion of His divine wisdom], na ating magagamit sa araw-araw habang tayo’y nabubuhay sa mundo. Ang karunungang ito ang nagsisilbing gabay natin sa mga desisyon, sitwasyon o tanong na ating kinakaharap araw-araw (daily living). ‘Pinangako ito ni Hesus sa mga alagad, “Sapagkat bibigyan ko kayo ng karunungan sa pagsagot para hindi makaimik ang inyong mga kalaban (Luke 21:15 ASND). Sinabi rin ni Santiago na kung may nagkukulang ng karunungan humingi siya sa Diyos at ito’y ipagkakaloob sa kanya (James 1:5).
Gayunpaman, may ‘pinagkalooban ang Diyos ng espesyal na kaloob na makaunawa o kaloob ng karunungan (gift of the word of wisdom) sa oras ng biglaang pangangailangan o pangyayari. God will impress words (or thoughts) of wisdom to escape from any dangers or circumstances that need immediate decision or solution. Isang alagad na nagpakita ng ganitong kaloob ay si Santiago (James) sa Acts 15:12-21 sa naganap na pulong sa Jerusalem upang resolbahin ang problema sa pagitan ng mga Kristiyanong Judio at Kristiyanong Hentil. Gusto ng mga Kristiyanong Judio na ipatupad sa mga Kristiayanong Hentil ang ilang batas ni Moses katulad ng pagtutuli (circumcision). Sa pulong na iyon, tumayo si Santiago at nagbigay ng matalinong payo matapos ilahad ang ilang Kasulatan. Silang lahat ay sumang-ayon at nagkaisa sa sinabi ni Santiago. Ito ay isa sa mga prueba (proof) na galing sa Diyos ang karunungan o kakayahan na makaunawa, dahil ito’y nagdulot ng pagkakaisa (peace and harmony in the church) at hindi pag-aaway. Kinilala rin ni Pablo ang kapangyarihan ng kaloob ng ito ng Espiritu Santo – “At nang mangaral ako sa inyo, hindi ako gumamit ng matatamis na pananalita batay sa karunungan ng tao upang kumbinsihin kayo. Sa halip, pinatunayan ng Banal na Espiritu ang aking pangangaral sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan (1 Corinto 2:4 ASND).”
Elevate: Application/suggested question:
1. Malinaw sa Salita ng Diyos na ang kaloob na makaunawa or gift of the Word of Wisdom ay supernatural. Malinaw na rin ba sa iyo ang kaibahan nito sa karunungan ng tao o mundo (human or worldly wisdom)?